Latest Post

Tuliro by Spongecola

Tuliro Lyrics




Tuliro

Spongecola


Labis, ako’y nahuhumaling
Sa minsa’t bawat sandaling
Ika’y makapiling


Giliw, hayaang lumapit
Wag mo sanang ipagkait
Mamalas ang langit


Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala ng ibang
Makapagbabago ng aking isip
Sa’yo


Wari di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog


At sa panaginip
Ika’y mamalagi
At di na muli malulumbay
Sa aking paggising


Anong nadarama


Anong nadarama
Gayong sa isip ko’y
Hindi ka maalis
Tuliro, di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala ng ibang makapagbabago ng aking isip
Sa’yo


Anong nadarama
Ngayon at nandirito ka sa aking tabi
Tuliro, di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala ng ibang makapagbabago ng aking isip
Sa’yo

No comments: